BY: Rose Garcia
BINAHAGI ng tinaguriang Kapuso Global Endorser na si Gabbi Garcia kung gaano ang naging impact sa kanya ng fantaserye na Encantadia.
Ang Encantadia ang isa sa mga nag-hit na primetime series ng GMA-7 na ngayong naka-enhanced community quarantine ang lahat, isa ito sa pinapalabas muli sa primetime.
Ayon kay Gabbi, dahil daw sa Encantadia, natutunan niyang mahalin ang sarili bago ang iba nang dahil sa role niya bilang si Sang’gre Alena.
Sa kanyang latest YouTube vlog, inamin ni Gabbi na ang proyektong ito ang isa sa most memorable accomplishments niya sa entertainment industry dahil ito ang nagbigay sa kanya ng break.
Sey niya, “Grabe ‘yung growth na pinagdaanan ko, ‘yung progress ko as a person because of Enca.”
Sixteen years old lamang si Gabbi nang mag-audition ito para sa role ni Alena na originally played by Karylle. Dagdag pa ni Gabbi ay ang dami niya raw napagdaanang ups and downs sa Encantadia at halos sabay silang nag-grow ng karakter nitong si Alena.
Gaya raw ni Alena na nais lang makahanap nang mamahalin, later on daw ay natutunan nito na kailangan munang mahalin ang sarili bago ibuhos ang pagmamahal sa iba.
“You can’t just really give out all the love if you’re not ready, if you don’t love yourself.”