SHARON, may online fundraising concert sa Mother’s Day; KC, aabangan kung maggi-guest

BY: Rose Garcia

DAHIL Mother’s Day ang second sunday ng May, very timely naman na sa May 10, magkakaroon ng online show ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Magkakaroon ng online fundraising concert si Megastar with Maestro Louie Ocampo.

sharon love and music

Ito ay Sharon Love and Music, A Mother’s Day Special, gaganapin ang concert sa May 10, 8 p.m., sa Facebook at YouTube sites ng ABS-CBN kunsaan, kakantahin ni Sharon ang mga hit songs niya.

Sa post pa lang ni Sharon sa kanyang Instagram account, ang dami nang nagpakita ng interes at excitement na panoorin ito.

Pero mukhang may aabangan ang mga tao. Kung ang panganay na anak na si KC Concepcion daw kaya ay mag-guest sa Mother’s Day/Fundraising concert ng ina.

sharon & kc

Kung tutuusin, itong COVID-19 na ito, napakarami ng naibigay at naitulong ni Sharon from her own pocket. As in, milyon. Pero heto at gumagawa pa rin siya ng sarili niyang fundraising para mas marami pang matulungang frontliners at nangangailangan ngayong wala pang nakakaalam kung hanggang kailan nga ba ang pandemic na nararanasan nating lahat.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s