Papa Art at Sylvia, muling na-hug, na-kiss at nakasama ang apat na anak

NI: Rohn Romulo

SAKTO sa unang Linggo ng Mayo, muling nagkasama-sama ang pamilya Atayde sa kanilang weekly family bonding over lunch.

Pagkatapos ngang magkasakit ang mag-asawang Art Atayde at Sylvia Sanchez ng COVID-19, na matagumpay nilang nalabanan nang mahigit na dalawang linggo, pareho na silang nag-negative ng ilang ulit.

sylvia & fam1

Kahit nakaligtas na ang mag-asawa sa bingit ng kamatayan, patuloy na nag-self-quarantine sina Papa Art at Sylvia sa kanilang bahay sa White Plains nang dalawa pang linggo para tuluyang magpalakas, kaya gustuhin man ay hindi nila puwedeng mayakap, mahalikan at makasama ang kanilang apat na anak na sina Arjo, Ria, Gela at Xavi.

At Last Sunday nga, May 3, nangyari na at masayang-masaya ang pamilya Atayde sa muling pagsasama na ilang linggo na hindi nila nagawa.

Ito ang pinost ni Sylvia sa kanyang facebook na punum-puno ng kagalakan at pasasalamat sa Panginoon:

“Praise and thank you GODπŸ™β€οΈπŸ™

After 1 month & 9 days, we can now hug, kiss, play, and eat together wd our kids.

Tandang tanda ko yong pakiramdam ko na di namin pwedeng malapitan, mayakap o mahalikan ang mga anak namin. Ang lungkot! Napakalungkot😞

Bilang isang ina, araw araw dinudurog puso ko pag naiisip ko na posible naming nahawa mga anak namin. Yan ang pinaka kinakatakutan ko habang nakikipaglaban kami mag asawa sa COVID πŸ˜” yan ang pinagdarasal ko araw araw sa hospital bed ko na sana wag mangyari.

But today I am grateful to GOD that He heard and answered our prayers. My husband and I are now okay and reunited with our children. Finally, nayakap na namin mga anak namin kaninang lunch. Yahoooo!!!

Ang sarap sarap ng pakiramdam!! Ang saya, saya πŸ˜πŸ’ƒβ€οΈπŸ•ΊπŸ˜€

Thank you to our family, friends, ABSCBN family, Beautederm family, Sylvianians, Rialistic, Arjo’s angels, ArmaineLovers, team atayde and to all the fans and everyone who prayed for our recovery. But most of all, thank you to all the frontliners that took care of us and to those who continue to fight for everyone. It was not an easy fight but we won because of your unending prayers and love. And with the Grace and Love of GODπŸ™

Ngayon, haharapin namin ang buhay ulit nang magkakasama. At patuloy kong pinagdarasal na matapos na ang virus na to πŸ™ In JESUS name πŸ™πŸ™πŸ™

#blessed #priceless #family #happiness #mygreatestloves

#healtheworldLORD #thankuLORD

Happy afternoonπŸ˜€πŸ’ƒβ€οΈπŸ•ΊπŸ™πŸ’‹πŸ’‹πŸ’‹”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s