CARLA, tumaas ang respeto sa mga housewives at kasambahay

NI:  Ruel Mendoza

DAHIL walang kasambahay ngayon si Carla Abellana dahil sa ECQ, siya na ang gumagawa ng household chores.

Pinakita ni Carla sa kanyang YouTube channel ang ginagawa niyang paglilinis, pagluluto, pagpaligo sa kanyang mga aso at paglaba ng kanyang mga damit.

Ngayon daw niya ulit nagawa ito dahil wala naman daw siyang trabaho pa at wala nga siyang mga kasambahay ngayon dahil umuwi ang mga ito sa kanilang probinsya para makasama ang kanilang pamilya habang may lockdown.

Tumaas daw ang respeto ni Carla sa maraming housewives at mga kasambahay dahil hindi raw pala madali ang ginagawa nilang pag-asikaso sa bahay.

Nagpapasalamat na lang si Carla at kasama niya ngayon sa bahay ang boyfriend na si Tom Rodriguez para kahit paano ay may nakakasama siya at matulungan siya.

“Sa mga misis, stay-at-home moms, kasambahay, assistants, hardinero, at driver, saludo po ako sa inyong lahat. Hindi ko po kakayanin ang mga trabaho ninyo,” sey ni Carla.

Carla-Tom

Umani ng papuri si Carla mula sa netizens dahil ang glamorous actress na napapanood nila parati sa TV ay puwede rin palang maasahan sa bahay dahil marunong itong sa house chores.

At kahit pawisan at walang makeup daw si Carla dahil sa mga ginagawa nitong paglinis sa bahay, apaw pa rin daw ang ganda nito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s