CARLO at LUANNE, umuwi agad matapos na maipanganak sa ospital ang kanilang baby boy

BY: Rose Garcia

DADDY at mommy na ang mag-asawang Carlo Gonzalez at Luanne Dy.

Kahit aminadong parehong may takot na magpunta ng hospital, sa hospital pa rin nanganak si Luanne lalo na at via caesarean delivery pa nga siya.

Usually, mahina ang tatlong araw sa hospital ang nanganak kapag na-cs, pero dahil sa COVID-19, 24 hours lang daw ito nag-stay ng hospital at lumabas na rin sila kasama ang kanilang baby boy.

Luanne-Carlo

Kinuwento ni Carlo nang mag-FB live ang mga “daddy” ng PPL Entertainment Inc. ang naging panganganak ng misis niya at kung paano, very proud dad ito ngayon sa itinuturing niyang “legacy” niya raw.

Ayon kay Carlo, “We stayed in the hospital for 24 hours lang. We opted to go home right away dahil siyempre, ayaw rin naming i-take yung risk na nakababad kami ro’n. At mas kumportable rin siyempre dito na naka-settle in na kami, naka-settle na rin yung bata sa bahay.  Ang saya, ang saya.”

Kahit daw cs delivery si Luanne, mabilis daw itong naka-recover kaya nakayang sa loob lang ng 24 oras ay nakalabas na sila.

“All is well and recovering siya, very quick. At yun nga, masayang-masaya kami rito sa bahay.

“Pero itong nangyari sa akin ngayon, parang bago. Ang galing, blessing in disguise at sobrang saya ko.”

Kaya nasasabing blessing in disguise na rin sa kanya ang lockdown dahil ngayong kapapanganak ni Luanne, wala nga naman siyang ibang iintindihin o aasikasuhin kung hindi alagaan muna ang mag-ina niya.

Ang napiling pangalan nina Carlo at Luanne sa kanilang first baby ay Jose Christiano at may pasilip sila sa kani-kanilang instagram.

Kasal na sila sa civil noong isang taon pa at plano nilang mag-church wedding ngayong December 2020. Pero dahil sa covid-19, hindi kami magtatala kung sakali at ma-delay ang church wedding nilang dalawa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s