BEA, nag-aalala sa tinayong coffee shop; apektado rin ang pag-aaral

NI: Ruel Mendoza

AMINADO si Bea Binene na nag-aalala siya sa kanyang tinayong coffee stall business na Mix and Brew Coffee.

Noong June 2019 siya nagbukas ng negosyo sa SM Megamall food court, pero wala pang isang taon ay isara niya ito dahil sa ECQ.

“Since nasa mall po ang business, we temporarily stopped operations because of the ECQ. If they say na malls will open na, then definitely, we will follow them.

“Nung nag-close kami, nagpunta rin kami sa shop to do general cleaning. And after that, pinag-grocery ko rin sila from my own pocket and cash advance. We’ve also applied to the DOLE’s assistance program for them,” sey ni Bea.

bea b-coffee shop

Ang pagkalugi ng negosyo ang siyang iniisip ng aktres, pero wala naman daw siyang magagawa dahil halos lahat ng business, even before the ECQ, ay nauuwi na raw sa pagkalugi.

“Dahil may days before ECQ na bukas ang mall, pero wala masyadong tao. We’re located at the food court, so iwas ang mga tao to go there kasi it’s a huge space.

“Bilang food and coffee business kami, baka ma-stale ang stocks. Sana makabawi before mag-due date kasi we have to pay for the rent. Yung marketing plans, we have to reschedule everything.”

Pati raw ang pag-aaral ni Bea ng culinary arts sa Center for Asian Culinary Studies sa San Juan ay apektado rin.

Ang tanging pag-asa na lang ni Bea ay ang kalusugan ng kanyang buong pamilya. Malugi na raw ang negosyo niya, huwag lang daw magkasakit ang mga mahal niya sa buhay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s