COCO, walang prenong binuhos ang galit at sama ng loob sa pagpapasara sa ABS-CBN; netizens, nakulangan sa pinost ni VICE GANDA

BY: Rose Garcia

SA kabila ng kinatatakutang pandemic sa buong mundo, ang COVID-19, sa kabila ng wala pang katiyakan kung kailan mababawasan ang bilang ng nagpopositibo rito, kung posible na ba ang pagli-lift ng ecq sa Metro Manila ngayong May 15 o kung safe na nga ba na lumabas ang lahat, sa kabila ng hindi pa rin talaga nagkakaroon ng malawakang mass testing, heto’t nada-divert pansamantala ang focus ng mga Pinoy sa COVID-19.

Napapalitan ito ngayon ng galit dahil sa cease and desist order ng NTC noong May 5 na mag-stop operation na ang ABS-CBN.

Naganap na nga ang pagsa-shutdown ng isa sa sa pinakamalaking network sa bansa. Parang dejavu ang pakiramdam, lalo na sa mga umabot at malinaw pa sa alaala nila nang ipasara ito noong 1972, panahon ng Martial Law.

abscbn-ntc

Kadalasan sa mga nababasa namin, history repeat itself. Ang nakapagpasara noon sa network ay ang kilalang dictador noon, ang dating Pangulo na si Ferdinand Marcos at dictador rin ang tingin ng ilan sa present leader ngayon na si President Rodrigo Duterte.

Napakaraming artista ang nagpahayag ng saloobin nila sa nangyari. Sa pagkakataong ito, na-witness muli ang pagkakaisa ng magkalabang networks, ang ABS-CBN at GMA-7 sa pamamagitan ng pagpu-post ng messages. Ang daming Kapuso stars na nagpakita ng suporta sa Kapamilya.

Sa lahat, si Coco Martin ang pinaka-nag-trending dahil naramdaman ng lahat ang galit nito sa ginawa sa itinuturing niyang tahanan. Nag-trending din ang Ang Probinsyano dahil sa magkasunod na Instagram post ng actor, ilang oras nang mag-sink-in na siguro rito na sa ngayon, wala na nga ang ABS-CBN.

coco martin

Sa mahabang IG post ni Coco, “Pasensya na po dahil hindi ko na mapigilan ang sobrang galit na nararamdaman ko. Nakakapagod nang manahimik at magpigil kung ang mga nasa paligid mo naman ay mga walang-pusong tao.

“Anong klaseng mga tao ang gumawa nito? Alam ninyo na ang ibig sabihin ng pagkasara ng ABS-CBN ay kawalan ng trabaho ng ilang libong empleyado kasama ang mga pamilya nito. Ilang libong pamilya ang magugutom sa kabila nang lahat ng nangyayari sa mundo ngayon. Talaga bang nagawa niyong unahin ang pagpapasara ng isang istasyon na bumubuhay sa napakaraming Pilipino?

“Ang lahat ng mga tao ngayon ay pagtulong at pag-agapay sa kapwa ang hangarin, lalo na ang ABS-CBN. Napakalaki ng iniambag at patuloy na nagaambag upang umabot ang tulong sa lahat ng nangangailangan. Sila ang inaasahan ngayon ng maraming tao para maghatid ng balita sa bawat araw, sila rin ang daan para maiparating ng mga tao ang kanilang saloobin at pinagdadaanan sa krisis na ito. Sa gitna ng laban natin sa COVID 19, hindi tumitigil ang ABS-CBN para magbigay ng aliw, ligaya at pag-asa sa mga tahanan ng sambayanang Pilipino. At sa gitna rin ng lahat ng ito, hindi iniwan o pinabayaan ng ABS-CBN ang mga empleyado nito, inagapay niya ang bawat empleyado upang makaraos. Hindi ko alam kung anong klaseng mga tao kayo at kung anong klaseng konsensiya ang mayroon kayo para maisip niyong ipasara ang ABS-CBN sa gitna ng daan at libong mga taong nagkakasakit at namamatay dahil sa epidemyang ito. Hindi kayo ang mga taong dapat kinakausap ng maayos, ang dapat sa inyo tapatan ng kabastusan at kawalanghiyaan tulad ng inaasal ninyo!

vice-ganda

“Wala man akong gaanong kaalaman sa batas at maaring mas marunong kayo sa akin, pero sana naisip niyo man lang ang sitwasyon ng ating bansa! Sana sa wakas ay makatulog kayo ng mahimbing at maipagmalaki niyo ang naggawa ninyo! Sana ipagkapuri kayo ng pamilya ninyo sa tagumpay ninyong gutumin at yurakan ang mga buhay ng ilang libong pamilya!

“Tutal wala naman kasiguraduhan kung buhay pa ako pagkatapos ng pandemic na ito. Tama lang na masabi ko ang mga saloobin ko. Sa mga taong pilit nagsulong sa pagpapasara sa ABS-CBN, sana ay panatag ma panatag na ang kalooban niyo. NTC sana nagdala ito ng lubos na kaligayahan!!!

Hindi na nag-preno si Coco at talagang binuhos na nito ang galit at sama ng loob sa nangyari. Sabi pa niya, bilang lahat nga naman ay at risk ngayon dahil sa COVID-19 at walang kasiguraduhan ang buhay.

Sey pa niya, “Tutal wala naman kasiguraduhan kung buhay pa ako pagkatapos ng pandemic na ito. Tama lang na masabi ko ang mga saloobin ko. Sa mga taong pilit nagsulong sa pagpapasara sa ABS-CBN, sana ay panatag na panatag na ang kalooban niyo. Sana nagdala ito ng lubos na kaligayahan sa mga puso ninyo. Mahirap magsawalang-kibo sa mga taong katulad ninyo na patuloy na nang-aabuso. Wala kayong mga konsensiya, naatim niyong pagkaitan ng hanapbuhay at pabayaang magutom ang ilang libong mga pamilya! Lalo lang lulubog sa kahirapan ang mga Pilipino! Ito ba ang serbisyo niyo sa bayan?

“Hindi ako mangingiming sabihin ang totoong nararamdaman ko ngayon. Sa mga taong tulad niyo na hindi karapat-dapat pakitaan ng diplomasya at pagkamalumanay. Ang dapat sa inyo usapang sanggano at walang-hiyaan! Galing ako sa hirap at jologs ang pagkatao ko, kaya wala akong pakialam ngayon kung anong sasabihin ng ibang tao. Hindi man ako kasing talino ng iba, alam ko at malinaw sa akin na MALI at KAWALANG KATARUNGAN ang tanggalan ng hanapbuhay ang ilang libong empleyado ng isang kumpanyang naglilingkod sa sambayanang Pilipino ng ilang dekada! Maraming maraming salamat Solicitor General Joe Calida at sa bumubuo ng National Telecommunications Commission sa kontribusyon niyo sa ating bayan!

“TINATARANTADO NINYO ANG MGA PILIPINO!!!”

Naikumpara naman ng ilang netizens si Coco kay Vice Ganda. Although nag-post din naman si Vice ng saloobin niya sa nangyari, tila may netizens na nakukulangan at tila hindi raw very “Vice” ang conviction nito ngayon sa nangyari.

Kinokonek ng iba na posible raw kasi na tulad ng ibang Kapamilya stars na supporter ni Pangulong Duterte, si Vice rin daw kasi kaya hindi ito masyadong “passionate” katulad ni Coco sa pag-post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s