MARK at AICELLE, sa bahay na lang nag-honeymoon dahil sa ECQ

NI: Ruel Mendoza

DAHIL sa enhanced community quarantine, sa bahay na lang nag-honeymoon ang Kapuso singer Aicelle Santos at asawa nitong si Mark Zambrano.

Kinasal noong November 2019 sina Aicelle at Mark. Babawi na lang sa na postpone na honeymoon

Ayon kay Aicelle, okey lang daw na ma-postpone ang kanilang honeymoon dahil kontento na sa bahay na lang sila.

mark & aicelle1

“Mas nakikilala namin ang isa’t isa kasi mula naman nu’ng kinasal kami at tumira sa iisang bubong, busy pa rin kami pareho. May trabaho kami, so hindi rin kami nakakapag-spend ng time together. Ito ‘yung aming ‘pseudo honeymoon’,” sey ni Aicelle.

Dagdag pa niya, mas marami raw silang oras na gawin ang mga newlywed couple activities gaya ng paghuhugas ng pinggan, pagluluto, at maging paglalaro ng computer games.

Naka-schedule sanang lumipad sina Aicelle at Mark patungong Japan para sa kanilang honeymoon dahil mahilig daw sila sa mga Japanese food.

“Wala na muna kaming iniisip na pagre-rebook kasi hindi natin alam kung ano bang mangyayari after nito. Siguro safety muna, magandang dito muna tayo sa kani-kanilang mga bahay,” diin ni Aicelle.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s