MARK, ipinaalam na biktima rin ng fake account at baka magamit sa scam

NI:  Ruel Mendoza

NAG-POST ang Kapuso singer and TV host na si Mark Bautista sa kanyang social media accounts na merong gumawa ng isang fake account at ginagamit ang pangalan at profile photo niya.

Pinost niya sa kanyang Instagram ang panayam ng kanyang poser sa isang netizen. Mabuti na lang at may nagsabi kay Mark na may nagpapanggap sa kanya at baka magamit pa siya sa mga scam.

“Guys this is not me. Blocked the account already. If you happen to receive DM’s from this person kindly ignore or block the acct. Thank you,” mensahe pa niya.

mark-bautista1

Laganap ngayon ang mga fake accounts na gamit ang pangalan ng mga celebrities ngayong merong ECQ. Ginagamit nga ang mga fake accounts na ito para makapanghingi ng donasyon na pangtulong daw sa mga frontliners.

Bukod kay Mark, nagkaroon din ng fake social media accounts nila Marian Rivera, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza, at Willie Revillame.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s