BELA, na-bash na naman at sinabihang magtinda na lang ng barbeque

BY: Rose Garcia

MAHUSAY sumagot sa bashers ang Kapamilya na si Bela Padilla.

Biglang lumabas nga sa pagkaka-shutdown ng ABS-CBN ang mga antis ng Kapamilya at mga supporter ni Pangulong Duterte. Ang mga Kapamilya stars na talagang nagpapahayag ng saloobin nila at galit ang hindi tinatantanan ng bashers o anti-ABS-CBN.

Pero isa si Bela sa mahusay sumagot lalo na nang sabihan ito na magtinda na lang daw ng barbeque.

Sa Instagram post kunsaan, pinakita niya ang ginawa niyang paggupit at pagkukulay ng buhok at base sa picture, halatang achieved naman nga kaya proud din si Bela sa sariling sikap niya at sey niya, “When the quarantine cut and color you give yourself actually work out.”

Pero ang aliw, yung may mag-comment sa post niya at sabihan siyang magtinda na lang ng barbeque dahil wala na raw ABS-CBN.

Sinagot muna ito ng Bela nang, “Bakit may ipon naman ako. Chaka pwede naman ako magsulat. 🙂 yung barbecue mahirap gawin.”

Eh, hindi pa tumigil ang basher at hiniritan pa si Bela na pabili po ng 3 na dugo at 5 na isaw. Kaya sinagot itong muli ni Bela na hindi nga siya marunong mag-barbaque.

Aniya, “ay ang kulit. Sinabi ngang di ako marunong magluto ng barbecue.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s