MARK, nag-TikTok at pinatunayang siya pa rin ang “Bad Boy on the Dancefloor”

NI:Β  Ruel Mendoza

SA kasalukuyang ECQ ay pinatunayan ni Mark Herras na siya pa rin ang may hawak ng titulong “Bad Boy on the Dancefloor”.

Dahil sa kanyang TikTok videos, nag-viral sa social media ang mga dance moves ni Mark. Nagulat din si Mark dahil hindi niya inakala na marami palang naka-miss sa kanyang pagsasayaw, lalo na yung pinasikat niya na “Average Joe” dance na hango sa kanyang sa ginawa niyang dance album noong 2005.

Ayon sa Twitter user na si @liafei: “MARK HERRAS AAAAAAHRed heart. I still remember when he had a mall show then exactly we were at SM B that time then my mom bought me his CD so I could enter the event center then he’ll sign it and you can take a picture with him. Hihi childhood idol yeeeet.”

Request naman ni @DennisTheMenez: β€œMark Herras is that Average Joe who we wanted to see on the small screen again.”

Natuwa si Mark sa maraming netizens na na-miss ang pagsasayaw niya sa TV. Aminado si Mark na medyo nag-lie low siya sa pagsasayaw nitong mga nagdaang taon.

“Hindi na rin ako nakakasayaw parati tulad noon, pero dahil sa TikTok, parang bumalik ‘yung hilig ko ulit sa pagsayaw.

“Sinubukan ko lang itong TikTok kasi uso niya ngayon at wala nga tayong masyadong ginagawa dahil may lockdown. Hindi ko inakala na ganito ang magiging resulta ng pag-TikTok ko.

“Noong mag-trending na, sabi ko na nami-miss pa rin pala ako nila ang pagsasayaw ko. Kaya ngayon, parang ginaganahan na ulit ako.”

mark h

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s