BETONG, nag-iisa kaya ‘di maiwasang mag-isip, matakot at ma-depress

BY: Rose Garcia 

SA loob ng halos dalawang buwan, mag-isa lang ang komedyante/host at ngayon ay novelty singer na rin na si Betong Sumaya sa kanyang condo.

Ang pamilya niya ay nasa Antipolo kaya hindi nakakasama ang mga ito.

Dahil mag-isa, hindi rin maiwasan ni Betong ang mag-isip, matakot at ma-depress.

Bago raw ang ECQ, nagawa na niyang i-record ang first single niya na “Nang Minahal mo ang Mahal Ko” kaya kahit naka-lockdown, nagawa itong mai-release ng GMA Music.

Nagpasalamat si Betong na kahit sa ganitong situwasyon, nagawa ng GMA na mai-release ang album niya at mabigyan pa siya ng chance na makausap ng ilang entertainment press via online.

betong-s2

Single pa rin si Betong at inamin niyang dahil mag-isa nga lang, sumasagi sa isipan niya kung meron sana siyang special someone.

“Opo, sobra, opo,” pag-amin niya.

“Lalo na ngayon, ako po kasi lahat ngayon. Luto, laba, linis, punta ng grocery. Tapos, ang pinakamahirap dito, wala lang makakuwentuhan talaga. Yung masasabi mo ang nararamdaman mo, wala kang mapag-sharean.

“Siguro, meron akong halos two weeks, mahihiga ka, halos maiiyak ka. Nami-miss ko ang family ko. Sobrang miss na miss ko talaga ang family ko. Iniisip ko na lang na sige, padaanin ko lang ang lungkot na ‘to, pero ‘wag kong tambayan. Kasi, ang hirap, e. Ang hirap po.

“At least, twice a month, nagkikita kami ng family ko, ngayon, hindi mo alam.”

Sa part na ito, naging very emotional si Betong at hindi napigilang mapaluha na. Kapag natapos na raw ang lockdown, ang mga kaibigan daw niya sa All-Out Sundays, Bubble Gang at Centerstage ang mga gusto niyang makita talaga.

Kahit mag-isa sa bahay at dahil alam din daw ng mga kaibigan niya na hindi siya marunong magluto kaya madalas, ang mga de-lata raw ang “kasama” niya, sobrang touched naman daw siya sa pag-alala ng mga ito.

“Ang dami ko rin pong blessing na natatanggap. Alam po kasi nila na hindi ako marunong magluto. Sa first two weeks ko na wala po akong luto kung hindi puro de-lata, may mga artista po na hindi nagdalawang isip na padalhan ako ng pagkain minsan worth one week.

“Gusto kong pasalamatan si Paolo Contis, si Boy 2 Quizon, Cacai Bautista, Boobay, Ma’am Susan Enriquez, Aubrey Carampel, Sheena Halili, Tita Geleen Eugenio.

“Ang dami pong nagpadala, alam niyo po yung biglang may tatawag na lang sa guard na may pagkain kang dumating. Sobra po akong nao-overhelmed at dito po sa ganitong klase ng kagipitan mari-realized kung sino ang mga kaibigan mo.”

At dahil nga available na ang first single niya sa mga digital stores tulad ng Spotify, Apple Music, Youtube worldwide, nagpapasalamat din daw siya sa mga artistang tinutulungan siyang i-promote ito sa mga social media accounts nila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s