JASON, nangako kay VICKIE na magbibiyahe agad ‘pag okay na ang lahat

NI:ย  Ruel Mendoza

KAHIT naka-quarantine, gustong mapasaya ni Jason Abalos ang kanyang girlfriend na si Vickie Rushton noong mag-celebrate ito ng ika-28th birthday noong nakaraang May 8.

Ten years na nga ang relasyon ng dalawa at mas lalo raw tumatag ang relasyon nila noong magkaroon ng ECQ.

Hindi magkasama sina Jason at Vickie habang may quarantine dahil nasa kanilang sariling tahanan sila, pero panay naman daw ang pangungumusta nila sa isa’t isa over social media at Skype.

Nangako si Jason na kapag naging maayos na ang lahat, bibiyahe raw ulit sila ni Vickie bilang regalo niya rito.

โ€œMahal kong baba, maraming salamat sa pagdagdag ng kulay sa mundo ko, mundo naming lahat na nakapaligid sa iyo at mga mahal mo. Maraming salamat sa Diyos sa napakaganda mong puso at pati kami natututo kung paano umibig nang kagaya ng pag ibig mo. Na-e-excite ako sa araw-araw at sa magiging buhay pa natin na magkasama.Ang blessed ko.

“Sa 10 years na dumaan hindi ko pa din maisip pano ka nakatagal na kasama ako. Ganyan ka lang baba. Madaming nagmamahal sa iyo. Mahal na mahal kita. Happy, happy birthday! Celebrate na lang muna ako dito mag isa ha. Para sa iyo naman to. Malapit naman na, layas agad tayo.โ€

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s