MICHAEL BUBLE, tinupad ang dying wish ng lolo; nanggulat sa pagreregalo ng bahay sa Pinay caregiver

NI: Ruel Mendoza

PINALABAS na sa programang Property Brothers ng HGTV ang pagregalo ng Canadian singer na si Michael Buble ng isang bahay sa Pinay caregiver ng kanyang grandfather na si Demetrio Santanga.

Wala ngang kaalam-alam ang Pinay caregiver na si Minette na reregaluhan siya ng bahay. Ito raw kasi ang dying wish ng lolo ni Buble para sa walong taong serbisyo ni Minette sa kanya.

michael_buble1

“My grandfather was my best friend growing up. He was my hero. When he got older, he received care at the home he built. Minette was hired to take care of him and my grandmother,” kuwento ni Buble.

Si Minette naman ay isang community health worker sa Pilipinas noong ma-hire siya ni Buble.

“I came from the Philippines working as a community health worker. Then I got hired by Michael’s family to look after grandma and grandpa at the same time.”

Napag-alaman ni Buble na lahat ng sinusuweldo ni Minette ay pinapadala nito sa Pilipinas. Naging best friend nga raw ng lolo niya ang kanyang caregiver.

“By the end, it was safe to say that Minette had become one of my grandpa’s best friends and an honorary member of the Bublé family,” sey ni Buble.

michael_bubble1

Kaya sa tulong mga pamosong home designers na sina Drew and Jonathan Scott, tinulungan siyang i-renovate ang bahay ng kanyang lolo habang nasa Pilipinas si Minette para magbakasyon.

Noong pabalikin si Minette sa Canada, sinorpresa siya ni Buble ng bagong renovated na bahay ng kanyang lolo. Ito raw ang regalo nila kay Minette for taking care of their grandfather hanggang sa pumanaw ito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s