ALDEN, ‘di nagsasawang tumulong mga kababayang apektado ng health crisis sa bansa

BY: Rose Garcia

KAHIT na nasa bahay lang at kung tutuusin, puwedeng sabihin na naapektuhan din talaga ng pandemic ngayon dahil may mga restaurant at fastfood business siya na kumpara dati, kahit na operational, masasabing iba pa rin ngayon dahil may social distancing na sinusunod na, pero hindi pa rin nagsasawang magbigay ng kanyang tulong ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa kanyang mga kababayan na higit na apektado ng health crisis sa bansa.

Ang tinulungan naman ng Kapuso actor ay ang mga street dweller na naninirahan ngayon sa Paco Catholic School at Don Bosco Makati. Matapos niyang mapanood ang ulat ng 24 Oras tungkol sa Catholic Institutions na ito, hindi nagdalawang isip si Alden na magpaabot ng kanyang tulong sa kanila lalo pa dahil malapit sa puso niya ang Paco Catholic School dahil dito siya nag-aral noong high school.

alden richards4

Agad namang nagpasalamat ang kanyang mga natulungan sa isang video message na pinost sa kanilang Facebook page, “Thank you to our former student Richard Faulkerson, aka Alden Richards for your assistance… please click to watch the videos.”

Maging ang mga taga-Don Bosco Makati ay nagpaabot ng kanilang pasasalamat kay Alden sa mensahe na pinadala ni Fr. Favie Faldas, ‘Kaya Alden [Richards] malaki ang papasalamat namin sa iyo. Idol ka namin, ‘di lang sa panonood ng TV pati rin sa iyong kagandahang puso.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s