DINGDONG, tinulungan ni MARIAN sa pag-shoot ng public service clip para sa COVID-19

NI: Ruel Mendoza

ANG Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang napili para sa public service announcement ng Department of Health (DOH) at Film Development Council of the Philippines (FDCP) kaugnay ng impormasyon tungkol sa COVID-19.

Para kay Dong, handa siyang magbigay ng kanyang oras at panahon sa serbisyo publiko basta may kinalaman ito sa kalusugan at kaligtasan ng bawa’t Pilipino.

“Kinontak ako ni Liza Diño ng FDCP as well ni Pepe Diokno ‘yung naging direktor ng infomercial. Ito para talaga sa telebisyon. Ipinakikita ‘yung pinaka-basics, kung ano ‘yung mga dapat gawin para malimitahan ‘yung risks of having COVID-19.

“‘Yung mga simpleng bagay na gano’n na siguro dati ay tine-take natin for granted ay napakahalaga talaga para makasalba tayo ng buhay,” sey ni Dong sa kanyang interview with 24 Oras.

marian-rivera-dingdong-dantes1

Dagdag pa ni Dong na katulong raw niya sa pag-shoot ng public service clip ay ang kanyang misis na si Marian Rivera-Dantes.

“Siya ‘yung nag-click ng camera. Ang galing nga eh, kasi parang ang ganda nu’ng tandem namin pagdating sa ganu’n. Ang dali niyang matuto pagdating sa camera.”

Muling ngang mapapanood ang 2009 teleserye ni Dingdong with Rhian Ramos, TJ Trinidad and Glaiza de Castro na Stairway To Heaven simula sa Lunes, May 18 sa GMA Afternoon Prime.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s