MARLO, dream come true na maka-collab ang AI finalist na si Evelyn Cormier

BY: Rose Garcia

SULIT na sulit ang mahigit dalawang buwan na pagkaka-lockdown kay Marlo Mortel dahil sa pandemic na dulot ng COVID-19.

Nakagawa na si Marlo ng limang orihinal na kanta na yung iba, nasa You Tube, Facebook page at yung isa sa na-compose niya during ecq, available naman na sa Spotify ang kanyang “Unreciprocated.”

Pero ang isa sa pinakabonggang achievement niya ngayong naka-ecq, ang composition niyang “Bones” na ni-release na rin niya sa Youtube noong May 19 at sa May 27 daw sa Spotify ay naka-duet o naka-collab niya ang American Idol finalist na si Evelyn Cormier.

Marlo-Mortel-Bones-Evelyn-Cormier

Super fan daw si Marlo ng A.I. from the first season pa lang at kapag alam daw niyang nasa bansa ang mga previous season finalists, talagang sinasadya niya raw at nagpapa-picture pa siya.

Sa last season, si Evelyn ang sobra niyang nagustuhan. Gustong-gusto raw niya ang pagiging unique ng boses nito. Dahil aminadong fan ng A.I. finalist, kapag may nilalabas daw na performance nito ang A.I., ina-IG stories niya at doon nagsimula na naging magkaibigan sila. Nire-repost daw ni Evelyn ang post niya at nang maglabas siya ng songs niya ngayong ecq, pinost din nito mismo.

Hanggang sa nagkaroon na sila ng communication at inalok nga niya kung gustong mag-duet sila sa kanta niya na positibo naman ang naging response ni Evelyn.

“Sabi ko, gusto mo bang mag-duet tayo? And then, sabi niya, oh, I’d love to. Doon na ko nakapag-isip na bagay sa kanya ang ganitong klase ng song, haunting, mysterious.

“Ako ang gumawa no’n, from the music, to the demo na pinarinig ko sa kanya, yung lyrics. And it’s different, title pa lang, kakaiba na, Bones.”

Very special nga kay Marlo ang collab niya na ito kunsaan, sa studio sa Hampshire nag-record si Evelyn at siya naman, sa loob lang ng kanyang room. Pero dito raw, talagang nagbayad siya ng arranger at nag-mix.

“For me, this is a dream come true,” sey nga niya.

Bago pa mag-ecq, naka-plano na raw si Marlo to reinvent himself. Gusto niyang makilala rin in-terms of what he can offer as a musician. Hindi lang siya singer, pero mahusay na composer rin at the same time, host and actor.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s