AIKO, malaki ang pasasalamat kay CONEY sa ginawang pagtulong

NI:  Ruel Mendoza

MALAKI ang pasasalamat ni Prima Donnas star Aiko Melendez sa veteran actress na si Coney Reyes sa ginawa nitong pagtulong sa pagpapatatag ng kanyang pananampalataya.

Sa kanyang Instagram post, binalikan ng mahusay na Kapuso aktres ang kanyang Christian baptism na pinakamasayang punto raw ng kanyang buhay.

“This is definitely one of my happiest and peaceful day ever, when I surrendered my Life to Jesus and got water baptism with one of my pastors @laryetuy,” post ni Aiko.

Kuwento pa nito, malaki raw ang papel na ginampanan ng Ms. Coney sa kanyang buhay lalo na noong panahon na lugmok ito at sabay silang nagba-Bible study.

“It is no secret how I got closer to the Lord, Tita Coney played a big role in my life, when i was going through some rough times in life.”

Nag-iwan ng payo si Aiko para sa lahat ng mga taong dumadaan sa matinding pagsubok ngayon.

“To all those who are going through difficulties in life, battling anxiety, please hold to the Promises Lord Jesus gave us. He said in his words In Jeremiah 29:11.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s