BARBIE at JAK, hiwalay na nag-celebrate ng kanilang third anniversary

NI:  Ruel  Mendoza

TATLONG taon na pala ang relasyon nila Barbie Forteza at Jak Roberto.

Dahil may quarantine pa, magkahiwalay na nag-celebrate ang dalawa pero hindi pinalagpas ni Jak ang hindi niya masorpresa si Barbie.

Nag-post ito sa Instagram nang naging pag-surprise niya kay Barbie noong nakaraang taon sa dressing room ng GMA studio.

Parang galit pa si Barbie noong lumabas ito ng ladies room, pero napangiti agad nang gulatin siya ni Jak.

Heto ang nilagay na caption ni Jak: “Happy 3 years Madam! Dati crush lang kita, Akalain mo yun 3yrs na! Sayang di tayo makapagcelebrate alam mo na. So paano sa May 19, 2021 nalang? 😋 Stay at home muna tayo! I love you so much ❤️❤️❤️ P.S eto yata ang pinaka-sweet na kuha natin sa isat-isa.”

Sa pinagsamahan nilang teleserye na Meant To Be noong 2017 nagsimulang manligaw si Jak kay Barbie. Sinagot ni Barbie si Jak noong magtapos na ang kanilang teleserye.

jak barbie2

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s