GABBY, may karapatang maging ‘Hot Daddy’ dahil sa viral photo

NI: Ruel Mendoza

SI Gabby Concepcion ang may karapatan sa titulong “Hot Daddy” dahil sa nag-viral na photo nito sa Instagram.

Shirtless at parang naka-underwear lang sa naturang photo si Gabby at puwedeng-puwede pa siyang nakipagsabayan sa mga young actors na mahilig mag-post nang pang-thirst trap na litrato sa social media.

Obvious na panay ang workout ni Gabby habang may lockdown pa.

“BOARDWALK LOCKDOWN. Working out is a way to keep my mind and body busy during this lockdown period of uncertainty. What are you doing to stay healthy during these times? Let me know!” caption pa ni Gabby.

Dahil sa kanyang rugged look with matching balbas at pagpapakita pa ng abs, maraming netizen ang nag-comment na lookalike na niya si Hugh Jackman bilang si Wolverine sa X-Men.

Flattered si Gabby sa mga comments na natanggap niya at umabot sa 13,000 plus ang likes ng kanyang IG post.

Sa kanyang vacation house sa Lobo, Batangas nag-quarantine si Gabby at pinu-post din niya ang pagtingin niya sa kanyang mga tanim na saging at iba’t iba pang tanim.

Nagpapadala rin daw ng tulong si Gabby sa mga frontliner sa Batangas at sa iba pang nangangailangan ng tulong sa Lobo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s