NI: Ruel Mendoza
ISANG live workout session ang handog ni Kris Bernal para sa kanyang 31st birthday noong May 17.
“#TheHappyBirthdayKrisBWorkout, Since so many of you have been requesting for a LIVE WORKOUT, you ask, I deliver!” post ni Kris sa IG.
Sa mga sumabay kay Kris sa kanyang live workout sa kanyang YouTube channel, may hinanda siyang regalo sa mga ito.
“First time ever!! Join me on my birthday, May 17, Sunday, 4:00 PM, on my YouTube channel for a sweaty Sunday session + GIVEAWAYS! What particular workout/challenge do you want me to share?” post ni Kris.
Ire-reveal ni Kris ang kanyang sikreto kung bakit physically-fit pa rin siya kahit may lockdown. Ise-share din niya ang kanyang paboritong diet at ang iba pang ginagawa niya para ma-achieve ang maalindog niyang katawan.