DINGDONG, nagbigay-pugay at pasasalamat sa lahat ng kapwa-reservist na volunteers

BY: Rose Garcia

NAKIISA ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa relief effort kasama ang colleagues sa Marine Affiliated Reserve Combat Service Support Batallion (MARCSSBn).

Namahagi sila ng mga food packs na inihanda ng asawang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes, iba pang goodies at mga PPE (Personal Protective Equipment) para sa mga kapwa niya reservist na naka-duty sa mga checkpoint.

dong dd

Sa kanyang Instagram post, ipinarating ng Descendants of the Sun lead star ang kanyang pasasalamat sa mga nagbibigay-serbisyo ngayong naka-community quarantine.

Ayon kay Dingdong, “Isang pagpupugay at pasasalamat sa lahat ng reservists na volunteers at ilang linggo nang naka-deploy sa iba’t ibang lugar sa Luzon para tumulong sa ating mga kababayan.”

Samantala, pansamantalang napapanood ang Encantadia kapalit ng Descendants of the Sun sa GMA Telebabad.

marian rr

Pero tulad nga ng balita namin, mukhang nalalapit na rin talaga ang pagre-resume ng mga naantalang ongoing serye ng GMA dahil sa enhanced community quarantine.

Ang DOTS naman daw ay nasa last few weeks of taping na lang kaya kung sakali, sandali na lang silang magte-taping at magkakasamang mala-lockdown kunsaan man ang mapipiling location ng production.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s