JULIE ANNE, positibo sa mga nangyayari at ‘di hinahayaan na ma-depress

BY: Rose Garcia

MAHIGIT dalawang buwan na hindi raw talaga lumalabas ng bahay nila si Julie Anne San Jose.

Talagang stay home lang siya at ayon dito, ginamit niyang opportunity ang lockdown para magawa raw yung mga bagay na dati ay hindi naman niya nagagawa.

“Well, siyempre po, madalas kasi, kapag may work, pag-uwi mo ng bahay, wala ka na talagang magawa, then, work again. Dati, yung mga naiisip mong gawin, hindi mo magawa dahil walang time. Ngayon, nagawa ko na mas maka-bonding yung family ko. Nagawa ko na rin makapag-bake and cook.

“Well, dati pa naman ako mahilig, pero ngayon, mas nagkaroon ng time na magawa ko.”

Nakapagsulat din daw siya ng ilang kanta during lockdown. Though, lately nga, nae-embrace na niya ang new normal pagdating sa work.

Bukod sa online nila sa All Out Sundays (na balita namin, yung ginagawa nilang online na rin daw ang susunod na ipalalabas na rin sa TV at hindi na mga replay) nagkaroon din siya ng mini-concert.

 

https://www.instagram.com/p/CAM2bD2JlI1/

Siya na rin daw, katulong ang mga kapatid niya ang nag-set-up ng technical na sabi nga ni Julie, challenging part sa kanya.

Positibo naman ito sa mga nangyayari ngayon. Hindi raw niya hinahayaan na ma-depress siya o kung makaramdam man ng anxiety ay patagalin pa ito.

Katwiran nga niya, “Sa awa naman po ng Diyos, wala po, wala po. At saka, ayoko rin ma-feel yung ganun.

“Ayokong ma-feel na wala ng pag-asa. Lahat naman ng may bagay, may dahilan at lahat ng bagay, malalagpasan. Magdasal lang tayo at magtiwala kay Lord.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s