SAM at CATRIONA, umamin na rin sa kanilang relasyon; pagbati ng celebrity friends, bumuhos

NI:  Ruel Mendoza

UMAMIN na sa kanilang relasyon sina Sam Milby at Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa Instagram account ni Sam ay pinost niya ang isang polaroid na hinahalikan niya sa noo ang beauty queen. Nataon na 36th birthday last Saturday ni Sam.

“Worth every second of the wait. Most special birthday yet,” caption pa ng aktor.

Magkasama sa iisang management company sina Sam at Catriona na Cornerstone Entertainment at nakatanggap sila ng mensahe mula sa manager nila na si Erickson Raymundo.

“Happy Birthday Sam! And soooo happy for you and @catriona_gray !! Stay happy and in love.”

Bumuhos din ang pagbati sa dalawa mula sa kanilang mga celebrity friends na sina Angelica Panganiban, KC Concepcion, Iya Villania, Moira dela Torre, Jane de Leon, Maymay Entrata, Morissette Amon, Erik Santos, at Melai Cantiveros.

100089998_376977166593131_3713327805275045888_n

Last year pang nabalitang may relasyon sina Sam at Catriona. Nagsimula iyon noong umuwi na si Queen Cat sa Pilipinas at nagsunud-sunod ang paglabas niya sa mga shows sa ABS-CBN 2.

Si Sam daw ang dahilan kung bakit nagpa-manage sa Cornerstone si Catriona.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s