HEART, mariing itinanggi ang kumalat na fake news na siya’y buntis

BY: Rose Garcia

MARIING itinanggi ni Heart Evangelista ang nagsisimulang kumalat na balitang buntis siya.

Although siyempre, siguradong isa si Heart at ang kanyang mister na si Governor Chiz Escudero sa unang matutuwa sakali at buntis na nga siya, pero ang katotohanan nga raw na hindi totoo o false alarm at fake news.

Minsan nang nabuntis at nakunan o nagkaroon ng miscarriage si Heart sa suppsedly, kambal sana nilang babies. Kaya tahasang sinabi ni Heart na sensitibong topic sa kanya ang pagbubuntis.

heart-and-chiz

Ayon kay Heart, “I am not pregnant … fake news .thank you for all your wishes but I am not … I’d like to set the record straight . It is a sensitive topic for me . Thank you.”

Binasa naman namin ang mga comments ng netizens kay Heart at halos lahat, nag-a-agree na hindi tama lalo na at sa naging karanasan pa nito. Dapat ay maging sensitive naman daw ang iba, kahit na sa pagbibigay ng comment o tanong kung bakit hindi pa ito nabubuntis.

Pero naging kapansin-pansin sa amin na dahil sa buong enhanced community quarantine ay halos araw-araw may mahigit limang taong randomly na pinapadalhan ng tulong si Heart, puro mga nangangailangan ng tulong ang nakikiusap kay Heart na tulungan sila at kadalasan ay pambili ng gamot ang ipinapakiusap.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s