JULIE ANNE, ibinahagi na on-going pa rin ang online auditions para sa ‘The Clash Season 3’

NI: Rose Garcia

SA recent online interview kasama ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose, naibahagi niyang on-going pa rin ang online auditions para sa The Clash Season 3.

Hanggang June 28 pa ang auditions at masugid raw ang pagsi-screen sa mga nagpapadala ng entries.

Ayon kay Julie Anne, “Kasi may mga nagsa-submit po na parang hindi maganda ‘yung quality or hindi maganda ‘yung tunog, so kailangan mai-screen po lahat ‘yun. And then lately nag-livestream po kami with ‘The Clash.’ Tapos na-explain naman din po ‘yung mechanics kung ano po ‘yung do’s and dont’s doon po sa pag-o-audition din po.”

julie anne1

Natanong rin ang The Clash Master kung handa na ba siya sakaling mag-taping na muli ang programa, “Hindi pa po kami nabi-brief about that, pero right now mas naka-focus muna kami ngayon sa online content po namin. Kasi madami din po nagsa-submit ng mga entries nila and audition tapes, so ini-screen naman po namin lahat ‘yun.”

Para sa mechanics, pumunta lamang sa official Facebook page ng ‘The Clash’.

Sa ngayon, positibo lang si Julie Anne na kung anuman ang pinagdadaanan at situwasyon natin ngayon na malalagpasan din daw nating lahat ito.

“Dasal, dasal lang po talaga,” saad niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s