MARIAN at ALDEN, buong ningning na pinost ang kanilang sexy bodies

BY: Rose Garcia

DALAWANG top Kapuso stars ang masasabing “fitspiration” talaga ngayong ECQ pagdating sa kanilang mga katawan.

Unang nag-post ay ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na sa kabila ng pagkakaroon ng dalawang anak, one year old ang bunso na si Ziggy at hands-on wife and mommy pa, pero hindi nakakalimot sa pag-eehersisyo sa bahay.

Tinakpan nito ang mukha niya ng emoji, kaya ang talagang naka-focus ay ang kanyang maganda at seksi na katawan habang nagti-threadmill. Sa totoo lang, imposibleng kahit nag-eehersisyo at nanay na si Marian na hindi pagpantasyahan ng mga kalalakihan huh!

Then, next ay ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Buong ningning nitong ipinost ang kanyang six pack abs na siguradong mas nagpainit pa sa mainit na panahon.

View this post on Instagram

Mindset is everything.

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02) on

Naalala tuloy namin ang pinaghahandaan sanang Century Tuna bods ni Alden na naudlot na at dapat ay pang-summer dahil nga sa nangyaring pandemic.

Pero hindi na ipinagkait ni Alden ang katawan niyang ito na kung yung iba during ecq ay nagtatabaan, siya naman, halos perfect ang katawan ngayon.

Sey nga niya sa caption niya, “Mindset is everything.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s