AI AI, nilait-lait ng Pinoy fans sa comment na “di-kagandahan” ang comeback drama ni LEE MIN HO

NI:  Rose Garcia

HUMUPA na ba ang mga bashers ng Queen of Comedy na si Ai Ai delas Alas dahil sa South Korean actor na si Lee Min Ho?

Hindi pa nga.  Yung hindi nga artista na may nasabing opinyon na hindi tugma sa gusto ng ilang fan ng Korean stars o idol o Korean drama, ilang linggo makatatanggap ng pamba-bash, si Ai Ai pa nga ba na kilala talaga?

So ang siste, binabato si Ai Ai ng mga panlalait at nag-namedrop na ng mga nagawa niyang pelikula dati at may mga nag-comment pa na, “Lee Min Ho will not even watch any of your movies!”

p18168161_b_v13_aa

At imbyernang-imbyerna ang mga Pinoy fans dahil walang-modo raw si Ai Ai at tinag pa si Lee Min Ho sa sinabi niyang “di-kagandahan” ang comeback drama nito na The King of Eternal Monarch kaya tinigilan na niyang manood pero puring-puri naman ni Ai Ai ang actor dahil sa kaguwapuhan nito.

As in, ang daming nanggigigl. Napaisip tuloy kami, wish ko lang na naintindihan sana ni Lee Min Ho ang “di-kagandahan” comment ni Ai Ai, huh!

Anyway, nag-off naman si Ai Ai ng comment section ng Instagram niya dahil siguro nakita na nitong bashers attack ang magaganap.

Sa isang banda, sobrang O.A. mag-react ng ilang Pinoy fans. Eh, ano naman kung hindi nga nagandahan si Ai Ai. Kanya-kanya namang taste talaga. At dahil nagsabi ito ng personal niyang opinyon, kailangan na talagang mamersonal ng iba?

Kung tutuusin, meron naman talagang mga nakaka-appreciate ng bagong drama na ito ni Lee Min Ho (na sikat sa mga Pinoy) pero kahit sa South Korea, hindi ganun ka-positibo ang naging pagtanggap sa The King… kaya nga mababa ang ratings nito at ngayon lang medyo pumi-pick-up. Hindi rin positibo ang karamihang reviews.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s