CARLA, doble ang atensyon sa mga fur babies dahil apektado rin sa lockdown

NI: Ruel Mendoza

HINDI lang ang kanyang sarili ang inaalagaan ni Carla Abellana sa dalawang buwan na may lockdown, kundi pati na rin ang kanyang mga fur babies.

Sey ni Carla na doble ang pagbigay niya ng atensyon sa kanyang pet dogs dahil nakakaramdam din daw ng anxiety ang mga ito, lalo na’t parati silang nakakulong at hindi makalabas tulad ng dati.

Nataon pa raw na mainit pa ang panahon kaya tsine-check parati ni Carla ang kalagayan ng mga ito. Mas iritado raw kasi ang mga pets kapag mainit ang panahon.

carla-dog

Sa kanyang YouTube vlog ay nag-share si Carla ng naging proseso ng pagpapa-home service grooming para sa kanyang Yorkshire dog na si Bubbly. Pagpapaalala naman ni Carla sa mga pet owner, panatilihin pa rin ang social distancing at magsuot ng protective gear kahit pa sa tapat ng bahay lamang aayusan ang mga pet at sakay naman ng van ang crew ng grooming service.

Considered kasi na essentials din daw ang veterinary services na allowed ngayong nasa ilalim na ng modified enhanced community quarantine ang Metro Manila.

“Grooming is important, fellow pet owners! Let’s all be responsible for our pets, especially now that it’s summer.”

Maraming pet lovers ang natuwa sa ginagawang pag-alaga ni Carla sa kanyang mga pets at susundin daw nila ang mga advice nito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s