‘Carrot Man’, nagmo-model pa rin at kumakanta sa isang online variety

NI:  Ruel Mendoza

MARAMI ang naghahanap kung nasaan na ang nag-viral na si ‘Carrot Man’ na si Jeyrick Sigmaton.

Sumikat sa social media si Carrot Man noong 2016 dahil sa isang photo na kuha ng isang babaeng naging turista sa Benguet. Dahil guwapo ito kaya pinagkaguluhan ito sa social media hanggang sa maging overnight celebrity si Jeyrick.

Na-feature ang kanyang kuwento sa Kapuso Mo, Jessica Soho at ang kanyang life story ay pinalabas sa Magpakailanman. Naging guest din siya sa Bubble Gang at sa Wowowin kunsaan pinangakuan siya ni Willie Revillame na tutustusan ang pag-aaral niya ng high school hanggang college.

Jeyrick S-Carrotman

 

Mabilis ang pag-asenso ni Jeyrick dahil bukod sa paglabas sa TV ay naging model pa siya ni Avel Bacudio ng isang collection nito. Nagkaroon pa siya ng malaking billboard sa EDSA.

Ngayon ay nagmo-model paminsan-minsan si Jeyrick at kumakanta ito sa isang online variety show sa PTV Cordillera. Sa naturang show, kumakanta si Jeyrick habang suot ang traditional Igorot attire. Nagkaroon din ng boyband si Jeyrick na FAB4Z.

Nakapagbiyahe na rin siya sa iba’t ibang bansa sa Asia at naka-post ito sa kanyang Facebook account.

Kahit na naging maganda na ang buhay ni Carrot Man, tumutulong pa rin daw siya sa pag-ani ng mga carrots kasama ang kanyang ama.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s