Kapuso sexy artists, nagpainit sa paandar na virtual summer break

NI: Rose Garcia

KAHIT parang nabura literally ang mga summer ganap dahil sa COVID-19, ang GMA-7 ay may mga virtual na pa-summer.

Bago pa magkaroon ng enhanced community quarantine, nabuo na ang ‘Girls of Summer’ na makikilala bilang mga sexy Kapuso artists na sina Faye Lorenzo, Liezel Lopez, Claire Castro, Angela Alarcon at Anna Vicenten sa kanilang espesyal na feature sa GMA News Online bilang Girls of Summer nga.

quizbeh

Magpapainit tiyak ang mga Kapuso sexy artists na ito sa virtual summer break na paandar nila. Ikinuwento ng mga ito ang mga paborito nilang gawin tuwing summer at kung ano sana ang mga plano nilang puntahan.

Sa mga Kapuso boys naman, apat ang maglalaban-laban sa ‘Quiz Beh!’ na nagsimula na noong Biyernes, May 29 sa pinakabagong online game show na susubok sa talas ng isip ng inyong mga paboritong Kapuso hunks na sina Jak Roberto, Nikki Co, Sef Cadayona at Addy Raj.

Mapapanood ito sa GMA Network Facebook Page at GMA Artist Center Youtube channel.

Si Betong Sumaya ang magsisilbing host ng Quiz Beh!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s