AIKO, tuloy pa rin sa paghingi ng donasyon para makatulong; relasyon nila ni VG Jay, mas lalong tumatag

NI: Reggee Bonoan

TULOY-TULOY pa rin pala ang paghingi ng donasyon ni Aiko Melendez sa mga kaibigan para itulong sa mga taga-Zambales kung saan Vice Governor ang boyfriend niyang si Jay Khonghun.

Naka-chat namin ang aktres nitong Lunes nang gabi kung balik-taping na sila sa Prima Donnas ng GMA.

      “Hindi pa Ate Reg, baka July pa ata, not sure.  Wala pa guidelines, eh,”sagot ni Aiko.

jay & aiko1

Extended pala ang bakasyon ng GMA artists, “Oo, ate, nganga, ha ha ha.  Buti na lang busy ako sa online store ko, nililibang ko sarili ko.  Masisiraan ka ng bait pag walang ganap, di pa naman ako sanay ng walang ginagawa.”

Kumusta sila ni VG Jay, “Okay naman kami, strong kami, mas lalong in love, ha, ha.”

Hindi naman itinanggi ng aktres na may tampuhan sila dahil sa stress na dala ng COVID-19 dahil hindi nila ito napaghandaan good thing na nagkikita naman sila weekly para magdala ng tulong.

      “May pass naman ako ate, ‘yung mga naso-solicit ko, dinadala ko ro’n. Kumpleto naman ng tulong ang constituents ni VG panay bunot sa bulsa kasi wala namang calamity fund ang vice governor,” kuwento ni Aiko.

Samantala, isa pa sa pinagkaka-abalahan ng aktres ay ang pagpapa-sexy at pino-post niya sa kanyang social media account ang mabilis na pagbabago pero maraming bashers at sinasabing photoshop ang kapayatan ngayon ni Aiko.

“Asan ang edit dyan? I really don’t understand anymore why some people can’t be happy, when someone’s just achieved her goal.

      “Nu’ng mataba ako sabi nyo mukha akong nanay now naman inedit ko.

      “Hindi ba puwedeng? I worked hard for it? Hindi ba puwedeng i have gone through pain and sacrifices just to achieve my weight now?

      “C’mon give me a break. Envy doesn’t lead you anywhere. Just be happy. Like iam happy. I told you I went on calorie counting i went as low as 500 calories on my first month to maintain the procedure @docyappy did to me. Masama pa din?

      “This is my body! I am accountable to myself and no one else. I am also taking theobroma @officialf2nmarketing which is known also as weight loss supplement.

      “Me prob pa din?  Now im posting a raw pic without edit coz im against editing ones pictures coz sino niloko ko? Sarili ko.

      “I’m too old for that. I am posting to inspire people who are struggling with their weight. That there is ways and hope for all of them. If that’s a sin then I don’t know else what is right.”

(Photos: #CTTO)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s