DJ MO, gumamit ng fake caller sa live podcast para makapag-propose kay ANGELIKA

NI: Ruel Mendoza

SA gitna ng lockdown sa Amerika, na-engage si DJ Mo Twister sa kanyang longtime girlfriend na si Angelika Schmeing.

In-announce ito ni DJ Mo sa kanyang Instagram at sa latest episode ng Good Times With Mo (GTWM). May photo nga si Angelika na hawak ang mic at makikita ang engagement ring sa finger nito.

“She woke up like this. Early morning GTWM Podcast episode with the rock of our family, the prized jewel of my heart, the beauty with the diamond eyes @angelicopter on GTWM Season 7 Episode 45, out on Spotify now,” caption ni Mo.

Naganap nga ang proposal ni Mo sa kanyang live podcast noong May 22 (six months bago ang kanilang anniversary sa November 22) at may ginamit pa siyang fake caller named Karla para matuloy ang planong proposal niya. Ang fake caller ay podcast producer ni Mo na si Anj.

mo-angelica1

Wala raw kaalam-alam si Angelika sa mga nagaganap dahil parang normal na pakikipag-usap lang daw iyon ni Mo sa kanyang caller.

Hanggang sa sinabi ng caller ay: “You know, I just want him to say one thing. I just wish he’d say this line you know: ‘Angelika would you take this ring and say yes to being Mohan’s wife?'”

Doon lang daw nahimasmasan si Angelika na nag-propose na si Mo sa kanya.

“Nakakinis ka, I knew it. It sounded like us. Of course, babe you know that naman, I’m crying na naman, I love you babe” at sinuot na nga ni Mo ang engagement ring sa kanya.

May anak si Mo sa dating aktres na si Bunny Paras. Nakarelasyon din noon ni Mo ang mga aktres na sina Janet McBride at Rhian Ramos.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s