HYUN BIN, balik-GMA dahil muling mapapanood sa ‘Secret Garden’

BY: Nora V. Calderon

SIKAT na sikat ang Korean drama na Crash Landing On You kaya naman tuwang-tuwa ang mga K-Drama fans ng bida nitong si Hyun Bin, nang lumabas ang TV teaser ng GMA Network: “Una siyang minahal sa GMA Network, crash landing muli si Hyun Bin sa GMA Network soon!”

Muling ipalalabas ng GMA-7 ang Tagalized version ng KBS Drama na Secret Garden na unang napanood sa network in 2010. Magkatambal dito sina Hyun Bin at Ha Ji-Won.

HyunBin-smart

Pero unang napanood si Hyun Bin sa KBS romance-comedy series na My Lovely Sam-Soon. That time, 27 years old pa lamang si Hyun Bin. Ipinalabas din dito ang Ako si Kim Sam-Soon pero Pinoy adaptation na ito at ginampanan nina Regine Velasquez at Mark Anthony Fernandez.

At sa tagumpay ng Crash Landing On You hindi kataka-takang kinuha si Hyun Bin ni Mr. Manny V. Pangilinan bilang endorser ng Smart at napapanood na ang kanyang TV commercial na nagsimula noong Lunes, June 1.

hyun bin-secret

Siya rin ang bagong endorser ng Bench na pag-aari naman ni Ben Chan. Kaya dasal ng mga fans ni Hyun Bin, sana after this pandemic, ay dumalaw naman sa Pilipinas ang Korean actor and model.

Sa anong timeslot kaya ipapasok ng GMA-7 ang Secret Garden?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s