Resto nina JUDY ANN at RYAN, bukas na ulit at walang matatanggal na staff

NI: Ruel Mendoza

TULAD ng ibang celebrities na may negosyo, apektado rin ang Angrydobo restaurant ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Noong ipatupad ang ECQ sa Metro Manila, napilitang magsara ng kanilang resto branches sina Juday at Ryan, pero hindi nila pinabayaan ang kanilang mga empleyado.

Ang mga food supplies nila sa resto ay binigay nila sa kanilang mga tauhan. Kesa naman daw na mabulok at hindi mapakinabangan, makakatulong pa raw ang mga iyon kahit paano sa kanilang mga tauhan habang may lockdown.

ryanjuday

Ngayon ay nagbukas na ang isang branch nila sa Taft Avenue, pero for take out and deliveries daw muna. Nag-iisip raw ng magagawa sina Juday at Ryan para mapanatili nila ang kanilang staff.

“We are thinking of ways on how we’re gonna keep our staff, we don’t want naman talaga hangga’t maaari na magtanggal ng tao,” diin ni Juday sa interview sa kanya ni Tim Yap sa YouTube channel nito.

Nag-take din daw ng online classes si Juday habang naka-quarantine siya kasama ang mister at mga anak.

“I took up basic home schooling in preparation for what’s gonna happen sa susunod na pasukan ng mga bata. Parang I had to educate myself. How am I gonna do this? Ako pang hindi mahilig mag-aral noong kabataan?” tawa pa niya.
Kuwento rin ni Juday na hati sila ni Ryan sa pag-asikaso sa pag-aaral ng kanilang mga anak habang wala pang school opening. Si Ryan daw ang bahala sa English subjects at sa Pilipino naman daw si Juday.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s