ABS-CBN, patuloy na nalulugi at baka mag-layoff ng mga tauhan pag ‘di pa umere sa Agosto

BY: Ricky Calderon

KAHIT na patuloy na nalulugi ang ABS-CBN dahil sa kawalan ng advertising income (P35 million every day) ay pinapasuweldo pa rin nila ang kanilang mga empleyado. But if they cannot go back on air by August, sinabi ni ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak baka kailangan nilang mag-layoff ng mga tauhan.

Ang timing nang pagsasara ng network ay nakakabawas sa pag-asa sa maagang pagbubukas ng network. Kung hindi pa rin magbubukas ay walang ibang option ang ABS-CBN kundi magbawas ng mga tao.

Sa panahon ng pandemia, higit natin kailangan ang access sa information, lalo na sa mga malalayong lugar. Kabilang sa mga franchises ng ABS-CBN ay 23 radio at 42 TV stations na tinututukan at sinusubaybayan ng sambayanan. Malaking bahagi nang pinagkukunan ng balita ng mga tao ay telebisyon, ayon sa report ng Social Weather Station.

carlo katigbak

Kabilang sa importanteng channel ng ABS-CBN ay ang Knowledge Channel na nagpapalabas ng educational shows that hundreds of thousands of children watch – on top of bringing back its educational programming of previous years.
Katigbak has even committed to working with the government in order to strengthen its program for distance learning via television.

Sa resumption ng hearing sa Congress kahapon ay nabigyan na rin ng pagkakataon ang mga sponsors ng bill, kabilang sina Rep. Sol Aragones, Rep. Vilma Santos-Recto, and Rep. Joy Myra Tambunting, na pawang mga nagtrabaho sa industry.

Narinig natin ang pahayag nina Rep. Aragones and Rep. Vilma Santos-Recto sa mga naging tulong ABS-CBN sa paglipas ng mga taon, na higit pa sa pagbibigay ng balita at impormasyon. Binanggit din ni Rep. Tambunting na ang mga magagandang lessons na handog ng shows ng ABS-CBN sa mga viewers.

Nakatitiyak kami na gusto ng mga taong marinig ang kanilang saloobin tungkol sa network at kung paano ito naglingkod sa sambayanan. Hindi na tama na ulitin ang mga allegations na lumalabas sa social media pero wala naman kasong inihain laban sa ABS-CBN.

Nais ng sambayanan na ang Kongreso ay maging patas at agad aksyunan ang franchise renewal ng network dahil nakasalalay dito ang trabaho ng mga empleyado ng network, gayundin din ang kaligtasan ng mga Pilipino sa mga malalayong lugar na abot ng radio at TV stations ng ABS-CBN.

Sana walang bullying na magaganap, pero marapat lang na pakinggan ang both sides of the issue. Sana rin makita ng Kongreso kung paano nakatulong ang ABS-CBN na magbigay ng trabaho at maghatid ng impormasyon sa lahat ng Pilipino.
Sana rin, iwasan ng ibang congressman na ulitin ang mga issues na natalakay at nasagot na sa previous hearing noong Pebrero para mas bumilis ang talakayan tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s