NI: Nora Calderon
SA kani-kanilang bahay inabutan ng enhanced community quarantine ang mag-sweetheart na Derek Ramsay at Andrea Torres, nagkikita at nagkakausap lamang sila online sa kanilang vlogs.
Kaya masayang-masaya si Andrea na nag-post sa kanyang Instagram ng photo nilang magkayakap ni Derek nang first thing na ginawa nito after maging GCQ na ang Metro Manila, ay dinalaw agad ang girlfriend: “My little piece of heaven” ang caption ni Derek. At nagpasalamat si Andrea na binisita siya at ang kanyang family ng boyfriend.
Maraming natuwang mga Kapuso artists at netizens na kinilig sa kanila, nang magtanong si @pincanlas Pregnant ka raw? Sagot ni Andrea @pincanlas Woah! Haha! Hindi po!
Soon, malalaman natin kung tuloy na ang taping ng bago nilang action-drama series na muli nilang pagtatambalan sa GMA Network.