BY: Nora V. Calderon
NAG-TRENDING at pinasaya ng mag-amang Dingdong at Zia Dantes ang mga netizens nang i-post ng Kapuso Primetime King sa kanyang Instagram Stories ang pagdya-jamming nila ng awiting “Stand By Me.”
Habang tumutugtog ng gitara si Dingdong, sinabayan naman siya ni Zia ng pagkanta. Hindi kataka-takang susunod talaga sa yapak ng mga magulang niya si Zia dahil lumalaki itong very talented.
Paano pa kaya kapag kaya na ring gawin ng bunsong si Ziggy ang mga ginagawa na ng kanyang Ate Zia?
Excited na si Dingdong na muli silang mag-taping ng Descendants of the Sun. Sa ngayon ay inaayos pa ng GMA Network ang guidelines sa muli nilang pagti-taping ng kanilang mga teleserye.