DJ LOONYO, na-bash nang husto dahil lumabas na walang alam sa ‘mass testing’

NI: Reggee Bonoan

ANG hinahangaan ng 1.27M subscribers sa kanyang Youtube channel na si DJ Loonyo dahil sa napakahusay nitong sumayaw at mag-tiktok ay nadismaya dahil sa pagbibigay niya ng opinyon tungkol sa COVID-19 mass testing at bakuna.

Trending si DJ Loonyo sa online chat nila ng kaibigang si Evo nang mapag-usapan nila ang tungkol sa COVID-19 pandemic.

Para kay DJ Loonyo ay ayaw niyang sumailalim sa mass testing at kinuwestiyon din niya kung ano ang ingredients ng bakuna para sa COVID-19 kapag mayroon na.

dj-loonyo-1

Aniya, “I just don’t know. It’s, like, gagana ba itong bagay na ‘to sa ganitong ano, di ba? I don’t know kung anong gagamitin nila sa mass testing.

“Pero kung anuman ipapainom nila, kung anong ipapagawa nila, it’s a trial and error, that’s why it’s mass testing.

“Kaya kawawa yung mag-i-intake. Kawawa ‘yung mag-a-undergo nun, ‘coz it’s not 100 percent proven.

“It shouldn’t be mandatory. It should be encouraged. Depende na sa iyo kung gusto mo i-test yung sarili mo or kung gusto mo paniwalaan yung ano nila.”
Sagot naman ng kaibigang si Evo, “So, in short, hindi ko dapat i-take yun kung ganu’n pala.”

“But for me, why would you test me? I’m a human being. I will react kung ano ‘yung ipapainom mo sa akin.

“Paano kung ipapainom mo sa akin magre-react ng medyo malala yung katawan ko? So I’m dead. So, hindi ako naniniwala sa mass testing na ‘yan,” katwiran ni DJ Loonyo.

Dagdag pa, “Paano kung biglang reactant pala yung na-take mo? Paano kung may ininuman ka na baso and your kids iinom ng the same baso and then affected na lahat? We don’t know.

“It’s okay na maging metikuloso tayo sa kung anong ini-intake natin ‘coz we’re really vulnerable of these things, lalo na pag wala tayong alam.

“We just want to ignite something to these people for them to do their research, to do their responsibility as human being.

“Do not rely on just government. Do not rely on other people, but to rely on what they believed and what they studied.”

Anyway, ang sinasabing mass testing ay isang health measures na rekomendado ng World Health Organization para labanan ang COVID-19 para mapabilis na ma-isolate ang mga taong nagkaroon ng virus at hindi na makahawa ng ibang tao.

At dahil sa opinyong ito ni DJ Loonyo ay maraming nagsabing wala siyang alam sa mga pinagsasabi niya.

“He only has the looks and a good dancer pero sabaw pala,” ito ang isa sa nabasa naming matinding komento mula sa netizen.

dj-loonyo (1)

May isang ginang na nagkomento rin, “SOBRANG ALARMING NITO DJ LOONYO NAKAKALOKA HAHAHA. I’M SO DISAPPOINTED. FOR A PUBLIC FIGURE HA. WALA E, MINSAN LANG TALAGA, KAPAG ANG ISANG TAO NAGSALITA NA, IT DESTROYS THE FANTASY.

“Doon mo sila makikilala. Iyong depth. Iyong substance. Iyong sense. Lahat ng kilig ko sa video niya nawala hahahaa.

“I NEVER CRINGED SO MUCH OVER AN IGNORANCE LIKE I DID WHILE WATCHING THIS CLIP.

“Literal akong sumisigaw ng ‘PINAGSASASABI MO?!’ Hahahaha iba ‘to. Nasa ibang dimensyon pag iisip ni Sir. Ang hirap tapusin nu’ng video. I was even hoping na isa prank hahaha. As in pinagtiyagaan ko siya pakinggan hoping na may redemption sa dulo or at least iyong kausap niya e iko-correct siya. But much to my surprise, parehas silang walang proper knowledge kung ano ang COVID Testing, Rapid Testing and most importantly, Mass Testing.

“In almost 3 months of quarantine, almost half a year our world is battling this pandemic, may katulad ni DJ Loonyo who has a very wide audience and has an access to the internet, na hindi alam kung ano na ang nangyayari at kung ano ang mass testing. Mas malala ‘to sa confusion ni Harry Roque guys. And God knows, ilang tao pa iyong katulad niya ng paniniwala.

“Hopefully his followers or friends reach out to him and give him a crash course about COVID19. Naiintindihan ko iyong concern niya about being a ‘guinea pig’ for clinical trial but you know it’s completely different hahahaha sobrang nakakastress hahaha. And he was so sure sa sinasabi niya while vaping. I can’t I just can’t.

“Let us educate one another mga kakosa. Do not let this kind of assumption slide.

“RESEARCH. Nakamamatay ang virus pero mas nakamamatay ang maling impormasyon.

“Kaya Kids, mag aral kayo maigi. Mabuti. Masipag. Never stop learning. Laging may lamang ang may alam. 2020 na at nagkaka-pandemic na, hindi puwedeng puro pagwapo paganda pa-cute lang. #KeplerLoonyo.”

Para sa amin kung ano ang opinyon ng isang tao ay dapat igalang. Simula palang naman sinabi niyang hindi niya inuudyukan ang publiko na sundin siya dahil personal niyang opinyon iyon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s