GINGER, nakikiisa rin sa pagkamatay ni GEORGE FLOYD; patuloy ang kaguluhan at protesta sa Amerika

NI: Reggee Bonoan

ANG gulu-gulo ngayon sa Amerika dahil kaliwa’t kanang protesters dahil sa pagkamatay ng Black American na si George Floyd sa kustodiya ng mga pulis na kinondena ng netizens.

Matatandaang inaresto nitong Mayo 25 si George ng Minneapolis police dahil sa sumbong ng deli employee na tumawag sa 911 dahil peke raw ang $20 bill na ibinayad para sa sigarilyong binili.

Sobrang takot na ang mga taong lumabas sa kani-kanilang bahay dahil sa baka maipit sila sa gulong nangyayari.

Kuwento ng kaanak naming nasa New York, USA hindi lang daw sa ibang state may nakawang nangyayari, maging sa kanila ay may looting incident.

Kuwento sa amin, “Dito sa SoHo mga designer stores din binasag na lahat. Desperado na mga tao kasi walang work, wala ring money. Ay ang gulo grabe hindi pa kami natapos sa COVID paano na ‘to? Lalo pa lumalala.

Ginger-Conejero1

“Buong America in crisis na! Racism at COVID ang papatay sa mga tao dito. Katakot mag drive lalo kasi lahat ng main roads may protesters tapos binabasag ang mga cars.

“During the day medyo calm sa gabi ay sinusunog mga cars lalo na ang mga police cars.”

Hindi rin daw pinalampas ang St. Patrick’s Cathedral sa NYC, “nilagyan ng graffiti. Wala ng pinaligtas.”

Kaliwa’t kanan naman ang ginagawang panghuhuli ng mga alagad ng batas sa nasabing siyudad.

“Araw-araw how many hundreds naaresto pero lumalala pa rin. Tawag na sila national guards. Galit din sa mga naka uniforms (tao). Sobra naman kasi mga police din out of control pati mga babae sinisipa,” kuwento pa.

Samantala, nakikiisa rin ang ABS-CBN TFC Correspondent na si Ginger Conejero-Saab sa pagkamatay ni George Floyd.

Pinost ni Ginger ang video ng protesters sa kanyang IG account nitong Lunes kung saan nagma-martsa sila sa Financial District ng San Franscisco.

Aniya, “In our own way, we paid our respects to George Floyd and the countless others who, like him, paid the ultimate sacrifice in the war of racial injustice in our country. Today was an early yet important lesson that I hope Olivia will somehow remember – let your voice be heard but always in a peaceful, respectful way • #blacklivesmatter #justiceforgeorgefloyd”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s