CATRIONA at PIA, binabatikos ng netizens dahil kumontra sa Anti-Terrorism Bill

NI: Reggee Bonoan

MAGKASAMA sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa binabatikos ngayon ng netizens dahil sa hindi nila pagpayag na maisa-batas ang Anti-Terrorism Bill na mainit na issue ngayon sa social media.

Nabanggit ng dalawang beauty queen sa publiko na maging mapagmatyag sa mga nangyayari sa bansa bukod sa COVID-19 pandemic.

Hindi nagustuhan ng netizens ang pagsuporta nina Catriona at Pia sa “#JunkTerrorBill: Stop hate, injustice, racism.”

Ilang netizens ang nagkomento sa dalawang Miss Universe tulad ni Danny Timbol, “May mga tao na hindi mulat sa salot na terorismo. Huwag sana naman kailanganin pa ang makuha kayo ng Abu Sayaf, NPA at similarly minded groups. Di n’yo kasi alam ang nakuhanan ng anak ng NPA!”

Sabi rin ni Jacinto Meman, “If you were not yet at least 10 years old during the martial law you don’t know what it is to be incarcerated without any reason. So don’t tell me that this anti-terrorism bill not be abused by the powers that be. May safeguards ba para hindi ito maabuso?”

Hirit naman ni Arah Magallanes, “Di n’yo kasi naranasan na pestehin ng mga NPA ehh noh? Pupuntahan ka sa inyo tapos hihingi ng bigas, manok, prutas at kung anu-ano pa. Sila na nga nahingi, tatakutin ka pa na susunugin ‘yung sasakyan na gamit nyo sa kabuhayan.”

Dagdag din ni Ranreb B. Mendez, “Wala akong pake kung ayaw n’yo basta ako pabor. para ito sa proteksyon. ‘Wag kayung humingi nang tulong sa gobyerno pag kayu inabuso.”

Pero wala na ring magagawa sina Catriona at Pia dahil aprubado na ito sa kongreso at senado at pirma na lang ni Presidente Rodrigo Duterte ang hinihintay.

Pahabol pa ni Castor Aguda, “No problem about that there’s no beauty in terrorism!”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s