Digitally remastered ng ‘ESKAPO’, mapapanood na ng libre sa iWant

NI: Reggee Bonoan

SA nakaraang pandinig sa House of Representatives noong Miyerkules (Hunyo 3) ni ABS-CBN chairman emeritus Eugenio “Gabby” Lopez III ay naikuwento niya ang panahong tumakas siya ng bansa noong 1977 kasama ang tatay niyang kinulong habang ipinapatupad ang Martial Law.

Ginawang pelikula ito na pinabidahan nina Christopher de Leon (Genny Lopez Jr), Richard Gomez (Serge Osmena lll) at Mark Anthony Fernandez (Gabby Lopez) na may titulong Eskapo mula sa direksyon ni Chito S. Rono.

Sa digitally remastered ng Eskapo isinasalaysay ang makasaysayang pakikipaglaban ng mga Lopezes para sa kalayaan at mapapanood ito ng libre sa iWant.

eskapo movie

Magsisimula ang Eskapo sa hindi inaasahang deklarasyon ng Martial Law noong 1972 kung saan libu-libong Pilipino ang inaresto. Kabilang dito sina Geny Lopez ang mga anak ng ABS-CBN founder na si Eugenio Lopez, Sr. at dating Pangulo na si President Sergio Osmeña, Jr. na kinulong nang walang kasalanan.

Hindi man magkakilala bago makulong, magiging matalik na magkaibigan sina Geny at Serge habang patuloy na nakikiusap ang mga pamilya nilang palayain sila.

Sa kulungan, sisimulan nina Geny at Sergio ang isang hunger strike para iprotesta ang hindi makatarungang pagkakakulong ng libu-libong Pilipino. Ngunit pagkatapos ng limang taong pagkakapiit sa preso, magdedesisyon ang dalawang tumakas sa bansa, sa tulong ng kaibigan ni Geny na si Jake (Ricky Davao) at ng mga anak niyang sina Gabby (Mark Anthony) at Raffy (Eric Fructuoso).

Kasama rin sa cast ng Eskapo sina Dina Bonnevie, Armando Goyena, Amado Cortez, Farrah Florer, Paula Peralejo, TJ Cruz as Ernie Lopez, Camille Prats, Carlo Prats, Maila Gumila, at ang special participation nina Mark Gil, Joel Torre, at Teresa Loyzaga.

Panoorin ng libre ang digitally restored version ng Eskapo pati na ng Dekada ’70 sa iWant app sa iOS o Android o mag-log in sa iwant.ph. Mae-enjoy rin sa iWant ang iba ang digitally restored version ng classic Pinoy movies gaya ng Karnal, Himala, Oro Plata Mata, Madrasta, Cedie, Batang PX, Magic Temple, Sana Maulit Muli, Hihintayin Kita sa Langit, at Got 2 Believe.

Para sa updates, i-like ang http://www.facebook.com/iWant, sundan ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa http://www.youtube.com/iWantPH.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s