MANOLO, nag-sign-off muna habang naka-quarantine at nagbasa ng mga libro

BY: Rose Garcia

BIGLA naming naalala ang Kapuso star na si Manolo Pedrosa.

Since nag-enhanced communituy quarantine kasi, halos hindi namin siya nakikita kahit sa anong social media.

In short, ang tahimik.

Eh, bago mag-impose ng ECQ, isa si Manolo sa mga busy Kapuso star dahil nagsisimula na itong mag-taping ng bago niyang serye, ang Babawiin Ko Ang Lahat.

Yun pala, since nag-quarantine, nag-desisyon si Manolo na mag-sign-off muna sa phone niya at sa social media.

manolo p

Ang ginawa raw niya, nagbasa siya ng mga books, mostly are non-fiction books like self help books, business books at iba pa. Katwiran niya, ang pagbabasa raw kasi ang isa sa gustuhin man niyang gawin, kapag may work ay madalas naiisantabi.

Proud nga ito nang ikuwento sa amin na naka-40 books daw siyang nabasa. Bukod sa pagbabasa, nagtuloy-tuloy lang din siya sa pagdyi-gym, sa bahay nga lang nila.

Aminado ang chinito actor na isa ito sa pinakanami-miss niya, ang mag-gym sa totoong gym, bukod daw siyempre sa pagta-trabaho talaga.

Pero na-realize daw niya na sa nangyayari ngayon, apektado talaga ang lahat.

Sey niya, “I realized that because of this pandemic, this crisis affects everyone. We have to stand together. It doesn’t matter kung sino ka. We have to work together to fix this.”

Diretsahan namin siyang tinanong kung naapektuhan din ba siya at mabilis niyang sagot, “Of course, of course po, extreme, ibang klase. I’m sure, kung ano ang effect sa iba, parang same lang din. Parang we’re all connected. It’s up to you to find a way to cope-up.”

Sa ngayon, wish ni Manolo na sana, makapag-resume na raw silang muli ng taping at makabalik na sa work kahit na lockdown taping pa ang scenario.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s