ALDEN, may bago pang endorsement sa gitna ng pandemic

BY: Rose Garcia

SA gitna ng pandemic, heto’t may bagong endorsement ngayon ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Siya ang bagong mukha ng Thai dermo-cosmetic skincare brand na Oxecure.

Noong June 4 ay naglabas na ng teaser ang skincare brand na mayroon silang bagong endorser, “Aside from discovering a new solution for his body acne, this multi-hyphenate is full of that boy-next-door charm, has starred in the biggest movies in the past few years, and is also an entrepreneur and a philanthropist.”

Agad namang nahulaan ng netizens at fans na si Alden nga ito. Matatandaang spotted ang Kapuso actor sa Thailand para sa isang proyekto noong February.

 

Nakumpirma na tama ang hula ng netizens nang mag-post si Alden sa kanyang Instagram account.

Aniya, “Just wanna share. For a week now, this has been part of my morning routine right after showering. If you’re struggling to fight body acne and want to visibly fade marks, this one’s.”

Balik work na rin si Alden noong Lunes dahil nag-live na ang Eat Bulaga. Halatang excited at na-miss din niyang talaga ang dating normal routine na araw-araw, umaalis ng bahay at hindi magkandaugaga sa mga trabaho niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s