LOVELY, may certificate na bilang fitness instructor; kasal nila ni BENJ sa January 2021 na

NI:  Ruel Mendoza

PINOST ni Lovely Abella via Instagram ang natanggap niyang certificate bilang fitness instructor mula sa New Skilla Academy.

“Goodmorning 🌞 Sharing my HAPPINESS and ACHIEVEMENT for you guys, ang daming nabago sa buhay ko ng dahil sa LOCKDOWN na to, mas naintindhan ko ang rason kung bakit nangyari to aside sa mas naging close ang family ko, madami akong nainspire at namotivate in my own ways, para makaiwas sa depression and anxiety at the same time para maging healthy para lumakas ang immune system at higit sa lahat para maging SEXY, gumigising everyday ng maaga para gumawa ng workouts , kumausap ng napakarami everyday para sagutin ang mga questions , mag basa ng magbasa, manood ng mga videos at ang dami pa, pero higit sa lahat mas naINSPIRE niyo ako to LEARN more, di pala madali pero mga ka SQUAD, mga PANGGA!! I MADE IT!! IM a CERTIFIED FITNESS TRAINER na!! Yahoooo #COACHga #lovelysfitnesssquad #lovelystransformation”

      Habang may lockdown ay nagawa ni Lovely na mag-aral online para maging isang certified fitness instructor.

“Isipin mo sa pag-aaral kong ‘yon medyo natuyot ‘yung utak ko kasi kailangan mo palang pag-aralan ang nerves, ang brains, ang joints, ang respiratory, ang heart.

      “So iba-iba pala ang function nu’n every time na nagwo-workout tayo. Dapat pala inaalam ‘yun talaga.

      “Mas marami akong natutunan, at the same time medyo pinagkakakitaan ko na rin siya this time,” sey pa ni Lovely.

Sa January 2021 na raw magaganap ang wedding nila ng kanyang fiance na si Benj Manalo. Dahil sa COVID-19 pandemic, minabuting kanselahin na ng dalawa ang plano nilang pakasal ngayong taon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s