Pagbabalik-serye ni MARIAN kasama si GABBY, mukhang mauudlot pa

BY: Rose Garcia

MUKHANG mauudlot pa lalo ang pagbabalik na sana ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa teleserye.

Eh, ‘di ba nga’t bago magkaroon ng quarantine, naka-set na talaga ang pagsisimula sana ng taping nina Marian at Gabby Concepcion ng kanilang primetime series na My First Yaya.

Kaso, nagka-quarantine kaya tigil ang lahat. At ngayong pinag-uusapan naman na ang pagre-resume ng mga taping, mukhang isa ang My First Yaya sa hindi kasamang magre-resume.

marianrivera-gabbyconcepcion-firstyaya

Dahil sa new normal ng taping, kailangan talagang na i-lockdown ang cast at production. Kung linggo o buwan ito. Puwedeng diretsong taping hanggang sa matapos o may break then, back to lockdown taping again.

Sa ganitong senaryo, hindi pupuwede si Marian. Lalo na at may dalawang anak siya na hindi naman niya maaaring iwan, lalo na ang bunso na si Sixto na breastfeeding pa rin sa kanya.

And knowing Marian, alam namin na magiging mahirap ito para sa kanya.

Dalawa ang nakikita naming posibleng mangyari. Shelve muna ang project at kapag okay na ang lahat, gagawin muli o ibang proyekto ang posibleng ibigay kina Marian at Gabby. Not sure na lang kung sila pa rin ang magkasama.

Naalala namin na ilang attempt na silang pagtambalin, tila nagkakaroon ng aberya palagi.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s