KIM, walang ibang mahal other than XIAN at gustong makasama habang buhay

BY: Rose Garcia

NANG ma-bash si Kim Chiu, sumunod naman ay ang ispekulasyon o ang mga haka-haka na kesyo nagkakalabuan na raw sina Kim at Xian Lim.

Na kesyo nang i-bash si Kim ng todo, hindi man lang daw naramdaman ang suporta ni Xian bilang boyfriend.

Napanood namin ang interview ni Ruffa Gutierrez kay Kim. At dito nagpasalamat si Kim sa boyfriend. Siguro raw ito na yung pinakamaraming tawag sa kanya ni Xian, nang maging controversial siya dahil sa “Bawal Lumabas” statement niya na ngayon ay pinaka-hit song na yata sa panahon ng COVID-19.

kim chiu2

Sabi ni Kim, “Si Xian kasi, para siyang sponge. Siya yung nag-a-absorb ng lahat kaya siya yung nagkaka-anxiety.”

Sa ngayon, wala naman daw siyang ibang guy na tinitingnan pa at wala naman daw siyang ibang mahal other than Xian. At tingin ni Kim, si Xian na nga ang makakasama niya habang buhay.

Nagpasalamat din si Kim dahil sa grabeng suporta na natatanggap niya dahil sa kanta niyang “Bawal Lumabas.” Marami man ang haters at bashers niya, mas marami pa rin ang supporters niya.

Nagugulat din si Kim kung paano, pati merchandise na nilabas niya na ‘Bawal Lumabas’ ay grabe ang sales. Kaya sabi nga niya kay Angel Locsin, “makakapag-donte na ko sa shop and share sa tulong ng mga classmates natin.”

Feeling tuloy namin, si Kim ngayon ang makabagong Kris Aquino. Yung hate ng iba, bina-bash ng iba, pero pinapanood o pinapakinggan pa rin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s