“Oldest living actress” sa bansa na si Anita Linda, pumanaw na sa edad na 95

NI: Ruel Mendoza

NAGLUKSA ang Philippine movie industry dahil sa pagpanaw ng beterang aktres na si Ms. Anita Linda nitong June 10.

Si Anita nga ang tinaguriang “oldest living actress” ng bansa sa edad na 95.
Nakilala si Anita, hindi lang sa husay niya sa pag-arte, kundi ang kanyang pagiging isang professional sa kanyang trabaho. Hindi raw ito nale-late sa kanyang mga shootings or tapings. At memorized na raw niya ang kanyang mga linya kapag nasa set na ito.

Pinangak bilang Alice Buenaflor Lake sa Pasay City sa isang American father na si James Lake at Ilongga mother na si Gorgonia Buenaflor noong November 23, 1924.
Nadiskubre si Anita ng director na si Lamberto Avellana habang nanonood ito ng isang stage show sa Avenue Theater. Noong alukin daw siyang maging artista, nagdalawang-isip si Anita dahil hindi raw siya magaling pang magsalita ng Tagalog dahil sanay daw itong magsalita ng Bisaya.

anita-linda-7

Noong hindi siya sumipot sa shooting, pinasundo pa raw siya ni Avellana dahil gustung-gusto niyang gawing artista si Anita.

Unang ginawa niyang pelikula ay High School na wala pa siyang dialogue. Nasundan ito ng Biyernes sa Quiapo kunsaan naging leading man niya si Jaime dela Rosa. Sumunod ay Aksesriya with Leopoldo Salcedo.

Binigyan siya ng screen na Anita Linda nang gawin niya ang unang pelikula sa ilalim ng LVN Pictures na Tia Juana.

Noong sumiklab ang giyera sa Pilipinas, nagsara ang mga film studios at napunta si Anita sa pag-perform sa bodabil sa Avenue Theater. Pagkatapos ng giyera in 1947, kinuha si Anita ng Premiere Productions at ginawa niya ang mga pelikulang Sekretang Hong Kong at Alyas Sakim.

In 1951, napanalunan ni Anita ang kanyang unang acting award mula sa Maria Clara Awards para sa pagganap niya sa pelikulang Sisa ni Gerardo de Leon. Muli siyang dinirek ni De Leon sa pelikulang Sawa Sa Lumang Simboryo in 1952 at nakakuha ng best actress nomination si Anita sa FAMAS Awards.

Naging paboritong aktres din si Anita ni Lino Brocka at dinirek siya sa mga pelikulang Tinimbang Ka Nguni’t Kulang, Jaguar at Tatlo, Dalawa, Isa kunsaan nanalo si Anita ng FAMAS best actress noong 1974.

Ang iba pang hindi malilimutang pagganap sa pelikula ni Anita ay sa Bakit Bughaw Ang Langit?, Temptation Island, Lumpit Lumayo Ang Umaga, Apat Na Maria, Sister Stella L, Itanong Mo Sa Buwan, Gumapang Ka Sa Lusak, Dama de Noche, Tambolista, Aishite Imasu 1941: Mahal Kita, at Mrs.

Ilan sa mga napanalunan pang acting awards ni Anita ay mula sa FAMAS (Babae Sa Bubungang Lata), Urian Awards (Takaw-Tukso, Adela), Golden Screen Awards (Sta. Nina), Gawad Tanglaw (Sta. Nina), Star Awards (Babae Sa Bubungang Lata), Luna Awards (Sta. Nina), at Cinemalaya (Sta. Nina).

Nanalo naman ng apat na international acting awards si Anita mula sa ASEAN International Film Festival, Fajr International Film Festival, 54th Asia-Pacific, 11th Las Palmas de Gran Canaria at Cinemalaya International para sa mga pelikulang Adela at Lola.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s