DINGDONG at MARIAN, nagbukuhan kung anu-ano ang mga ayaw nila

BY: Nora V. Calderon

FIRST time na magkasama ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, sa masaya na family day Sunday chikahan na handog ng All Access To Artists, Live mula sa kanilang Facebook page at hosted nina Tristan Cheng at Boobay, last Sunday, June 14.

Nasa kanilang bahay sa Makati ang mag-asawa at kausap sila nina Tristan at Boobay via Zoom app.

Naging masaya ang game na inihanda ng mga hosts sa mag-asawa, pagkatapos ng kumustahan, na sabi ni Marian, hindi raw siya lumalabas ng bahay, kasama lagi ang mga anak nilang sina Zia at Ziggy. 

May bago tayong nalaman sa mag-asawa sa 8 questions na itinanong sa kanila, kung ano ang ayaw nila, na si Marian ang sumagot para kay Dingdong, at si Dingdong para kay Marian.

Ano ang ayaw nilang kainin? D – food na may curry, M – upo; prutas na ayaw nila: D – Kamias, pero doon daw naglihi si Marian kay Ziggy, M – mangga; gulay na ayaw nila: D – ampalaya, M – Upo; anong sitwasyon ang ayaw nila – D – nagmamadali, kaya kapag may lakad Yan, maaga siyang gumigising para may oras siya; D – confrontation; ano ayaw nilang gawin sa umaga?: D – ayaw kumain ni Yan, hanggang hindi tapos ang dapat niyang gawin, M – morning person si Dong, gusto niya kape-kape muna; ano ang ayaw nila sa gabi?; M – naka-shorts lang na pantulog, ayaw magsuot ng pajama kahit giniginaw na, D – ayaw ng may ilaw, kahit konti lang, nadi-disturb kasi sa pagtulog.

Naitanong kay Dingdong kung ano ang project na tinawag niyang ‘Ding Dong?

“Kahit gustung-gusto ko nang ikuwento, pero secret muna.  Kapag ready na ilo-launch agad namin.”

Sana, very soon, ganoon din ang request na mga netizens na sana muli nang mapanood ang Descendants of the Sun na nahinto dahil sa COVID-19 pandemic.

dongyan21

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s