SANYA, umamin na nagka-crush noon kay KEN dahil mabait at approachable

NI:  Ruel Mendoza

INAMIN ni Sanya Lopez na nagkaroon siya ng crush kay Ken Chan noong magkasama sila sa Walang Tulugan with the Master Showman noon.

Isa ito sa naging revelation nang magkaroon ng virtual reunion ang mga produkto ng show ng yumaong si German “Kuya Germs” Moreno na Walang Tulugan noong nakaraang June 5.

Sanya-Lopez-24

Kasama sa virtual reunion ay sina Ken, Sanya, Jak Roberto, Buboy Villar, Teejay Marquez, Eian Rances, Marika Sasaki, at Mico Aytona.

Naging host nito ay sina Jackie Lou Blanco at John Nite.

Naungkat ang pagkakaroon ng crush ni Sanya kay Ken nang may magtanong tungkol dito.

ken chan5

Sey ni Sanya na ang bait daw kasi ni Ken at very approachable.

      “‘Yung crush ko inamin ko kay Ken Chan ‘yon ‘eh, kasi siya ‘yung unang nag-approach sa’kin. Sobrang approachable kasi ni Ken. Sabi ko, ‘Ang bait naman ni Ken, crush ko na siya.’ Tapos ang tali-talino.”

Sagot naman ni Ken: “Ewan ko kung alam ni Sanya ‘yon pero kung ako ang tatanungin, kay Sanya rin po ako unang napukaw noon.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s